ISANG PANGAKO
Unang-una, wala talagang certainty sa lahat ng bagay. Kung alam mo na lahat at mga tamang desisyon sa buhay then wala ng room for faith o pagtitiwala sa Kanya. Kung lahat ng bagay ay nakalahad, then wala ng excitement, di ba ang buhay ay isang paglalakbay? Stage ito ng pagtitiwala at pagkakaroon ng moment na may surprise Siya sayo. Kung alam mo na kung saan ka tatahak then di na yun surprise. Araw-araw may surprise Siya sayo. Gaya ng sinabi ng maraming tao sa akin, dinasal mo na ba ang bagay na ito? Eto nakakalimutan ko rin. Kasi sa huli, ang desisyon na ito ay stronger kung its between Him and you and not you and them. Kung ano man ang desisyon mo, di ibig sabihin tapos na dahil nakapagdecide ka na. Araw-araw itetest yan at mag-iisiip ka kung tama ba ang naging desisyon mo. Kung ang desisyon mo ay nakabasi lamang sa demands ng country, sa gusto ng family, sa pride ng clan, at sa karamihang kinukuha ng batch then you will grow weary...mapapagod ka. Hindi kayang i-sustain ng pressure ng batch mo ang pagmed. Dati nag-aaral talaga ko for my family, nung nag-iisa nalang ako, narealize ko na lilipas din pala, matapos maabot ang pride ng clan - dadaan din lang pala.
Mapapagod ka kung iisipin mo na gusto mong tulungan ang bayan dahil di mo mapapas-an ang lahat ng problema ng bayan, mafrufrustrate ka. Hindi maiiwasan na magsasawa ka sa pagtulong. Kung natetest ang ano mang desisyon mo mas mainam, sa tingin ko, na nasusustain ito dahil may pangako ka sa Kanya at tutuparin mo ito. Ang alam ko kasi, Siya lang talaga ang naging constant sa buhay ko at tinitry kong i-rely ang lahat ng mga desisyon at gagawin ko sa kanya. Si mother Teresa nagsawa din yata yun sa pagtulong pero dahil may pangako siya, hindi siya nawalan ng pag-asa at lakas.
Sabi nga ng dating speaker namin, kung Siya lang ang pagbabasihan then magiging simply ang lahat ng desisyon. At sigurado na kung ano man ang desisyon mo sa buhay, taas-noo mo itong isigaw sa bayan dahil ito ay isang PANGAKO at tutulong Siya sa pagpapatupad ng pangakong ito. Kung sa tingin mo hindi mo natupad ang pangakong ito, hindi ka pa rin talo, dahil alam mo na ginawa mo ito para sa Kanya dahil kung tutuusin ang lahat ng lakas natin ay dapat nakatuun para sa Kanya.
Reply to sa akin ni Kuya Jason na clerk sa UP-PGH ngaun. Nakasama ko sya nung madeploy kame sa Mindoro. Isa sya sa mga pinaka astig na taong nakilala ko kaya nagconfide ako sa kanya habang nag-aapply ako sa mga med schools. Nung mga panahong nagugulumihanan ako.
Sa mga interviews ko pag tinatanong ako kung bkit ko gusto mag med ito ang sinasagot ko..because I made a promise. Minsan natanong ako: To whom? Sagot ko:To God and to my father. Kasi naman wala ako kamuwang muwang naalala pala ng tatay ko nung nangako ako sa kanya nung grade five ako na magiging isa akong doktor. Ako nga di ko un maalala. Napsych man ako ng tatay ko wala akong pakialam. Ang nag struck sa akin e ganun katindi ang kagustuhan nya na pag-aralin ako dahil naalala nya pa un hangang ngaun. May follow up question pa pag sinasagot ko to sasabihin ng doctor-interviewer: I believe God only wants the best for you, your happiness. He doesn't want to push you to do anything you don't want and to promise anything to Him. Sagot ko: I f this is the only idea that would keep me going onto pursuing my dream to be a doctor, then I will cling to it. Because for me it's really hard to break a promise especially when you made it in the name of God.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home