Saturday, May 27, 2006

Kamay at Utak

MT2
Where: Gawaran Elementary School
When: May 21, 2006

MT3
Where: Infanta, Quezon
When: May 22-24, 2006

Nung nag enrol ako nung 25 may nagtanong sakin kung bakit atat na atat daw akong magtuli. Hindi ko na matandaan kung anong sinagot ko o kung sinagot ko nga ba talaga sya. Kasi medyo nagulat ako sa tanong nya. Nagtaka lang ako kung bakit nya tinanong yun e pareho naman kameng med students. Hindi naman ako sa pagtutuli atat e kundi sa pwede kong matutunan sa bawat opportunity na makakasalubong ko.

Sa totoo lang hindi buo ang tiwala ko sa utak ko. Sa 21 taon na nasa ulo ko to alam ko na kung pano to tumakbo at kung ano ang limitasyon nito. Marami itong nakakalimutan na dapat laging tandaan. Marami itong mga importanteng mga bagay na napagpapalit palit. Kung minsan naiisip kong may microorganisms na kumakain ng memory ko. (Teka, kung d ako nagkakamali may STD na ganun ang komplikasyon. Hahaha!)

Pero sa kamay ko, hindi man buo, mas malaki ang tiwala ko dito kaysa sa utak ko. Para rin kasi syang may utak. Alam ko namang sa utak din nanggagaling ang lahat ng ginagawa ng kamay ko. Ang ibig ko lang sabihin, mas epektibo ang skills ko kaysa sa memory ko. Malaki ang naitutulong ng kamay ko para matandaan ang mga bagay.

Madali kong makalimutan ang mga bagay na binabasa ko. May mga pagkakataon ngang nag aral akong mabuti at nakakuha ng magandang grade sa exam pero tanungin mo ako after a month tungkol dun hindi na ako sigurado sa isasagot ko. Pero kapag paulit ulit kong ginagawa ang isang bagay kahit d na ko consciously mag isip maayos ko syang nagagawa at natatandaan ko ang rationale sa likod ng bawat procedure.

May medical explanation sa lahat ng to pero d sapat ang mga natatandaan ko ngayon para iexplain sya sa entry na ito.

Siguro iba iba lang talga tau ng paraang para matuto at matandaan ang mga bgay. [At may pinipili lang talga taung tandaan. Selective memory. May parte din sa utak natin, ang amygdala(OMG! natandaan ko sya!), na nagdedesignate ng emotional chuva(huhu..) para matandaan natin ang isang pangyayari o bagay. Para sakin malaki ang tulong ng amygdala ko kasi pag pinasukan na ng emotional factor ang isang pangyayari mas matagal ko syang natatandaan.] Ako, hindi sapat ang libro. Kung baga kelangan kong gamitin ang halos lahat ng faculties ng katawan ko para lang makatanda ng isang bagay o ng isang medical principle.

Natutuwa nga ako dahil nung ininvite ako sa infanta sabi ko matutupad na ang pangarap kong unti unting marating ang kasuluksukan ng Pilipinas. Pangarap kong magbyahe ng matagal, umakyat ng bundok at mapuntahan ang maliliit na isla at magstay dun ng konting panahon para magpractice na walang dalang mga fetal at guide books. Kahit d ako bilib sa utak ko, gusto kong maging sapat na sya at ang kamay ko pag naging totoong doktor na ko at nagbyahe na ko. Hindi ko naman kasi madadala lagi ang mga libro para ma-assure ako sa gagawin ko. Ang tanging madadala ko lang sa lahat ng oras sa kahit saang lugar ay ang sarili ko. Kasama na ang utak at kamay ko.

One week na lang, pasukan na naman. Panahon na naman ng mga utak. Mangangamoy utak na naman. Sa susunod na summer panahon naman ng kamay ko. Sana makasama naman ako sa ibang surgical missions, tulad ng herniotomy.

Siguro magiging surgeon ako.. Internists know everything, do nothing. Surgeons know nothing, do everything. Psychiatrists know nothing, do nothing.

Hay ang kalat talga ng utak ko, sumusunod tuloy ang kamay ko...

1 Comments:

At 9:07 AM, Blogger igdeguzman said...

aaw enjoy tlga ako basahin ang entries mo kc dami ko natututuhan like ung previous ung "basal ganglia" natuwa ako dun

saka ung gusto mo pagawa cyempre libre un! ilan ba gusto mo? hehe

 

Post a Comment

<< Home