Thursday, May 11, 2006

Typecasted

There's nothing like your first love (o you'll never forget your first love). Parang ganyan ung sinabi sa Little Manhattan di ba? Sabi din sa 2046 na Chinese movie, sa buhay natin hinahanap lang natin ang kapareho ng first love natin. Eww..ang mushy.

After more than a year, I found out I am not totally over him and, in reality, I will never be. Baket? E first ko un e. At hanggang ngayon, first and only. Hahaha. Actually, d naman kame naging kame. Hahaha. Cry of the desperate. Siguro wala pang dumarating ulit kaya masakit pa rin.

Wala pa ulit nagtetext every night at tuwing nakikita akong hindi nakangiti(tama bang ijudge na nakasimangot ako kapag hindi ako nakangiti?), tumatawag every weekend at nagyaya manood ng sine kahit hindi pa alam ang palabas. Wala pang overconfident na magsesend sakin ng coke txt message na ang ending e para sa laging mahal ako. Wala pa ring magsasabi kahit implied na langit nya ako.
Wala pa ulit magpapakilig dahil ininuman nya ung straw ko. Wala pa ulit na katelepathy ko-pag naiisip ko syang itext bigla na lang tutunog ang cel ko at sya na nga.

21 and Counting

I am waiting
But I find myself looking
Im sick of myself
Im so lonely
I just found out
Sometimes I can’t control these tears
Everything is falling down on me
I feel so cold
And its all my fault
So this is how the guilt feels
It can break you down to pieces

Wala na. Wala na ang ksama kong manood ng Till There Was You ni Juday at Piolo. wehehehe. Jologs to pero nakakatuwa.

Only guy I thought and still think is perfect for me. The guy I saw with me in the future.

Sya ung tinutukoy nung nagfrendster message sa akin.

Malaki ang probability na makikita ko sya ulit at makakasakay sa jeep o sa bus dahil taga imus lang din sya. Pero out of that probability e wala pang nangyayari after more than a year. Kapag naglalakad ako papuntang terminal at nakasakay ng jeep naiisip ko kung bakit ganun pero pinagdarasal ko talga kay Papa God na sana handa na ako pag nang yari un.

Life is full of surprises like a box of chocolate. Kailangan wala ka talagang kamuwang muwang para masaya. Para genuine ang feelings at emotions na mararamdaman mo.

Kanina wala talaga akong kamuwang muwang dahil busy ako kakatext sa sa dulo ng jeep, ung sa harap na part. Hindi ko rin alam kung nasaan na ako. Nang biglang may umupo sa harap ko. Syempre napatingala ako. Hindi ko alam kung dahil lang sa depekto ng mata ko un pero parang nag zozoom in at zoom out ako. Sa paningin ko ang aliwalas ng mukha nya pero parang gusto kong kusutin ang mata ko dahil blurred ata. Parang slow mo at medyo may music na hindi ko naman marinig at maintindihan dahil bingi ako at nakafocus ako sa nakikita ko.

Dapat sisipain ko ang paa nya dahil my nature told me so. Pero napatitig lang ako at hinintay na tumingin na lang sya. Hay..ang basal ganglia ko naging overactive. (Ang basal ganglia ay parte ng motor area sa utak natin. This smoothly integrates feelings, thoughts and movement. Kaya pag sobra daw ang input naglolock sya. Ang mga tao daw ay naooverwhelm ng mga stressful situations, kunyari mga sunog basta nakakagulat, kaya nagiging overactive ang basal ganglia at ang tao ay nagfrefreeze na lang. gets ba? Favorite ko tong basal ganglia e.)

Pag sakay nya, nagbayad sya. Tumingin sya sa left and right nya. Then, center. Tenen! Sabi nya ui! Hahaha. Di nya alam kung anong gagawin nya sa mukha nya. Ang awkward. Sinipa nya paa ko. Sabi nya saan daw ako punta. Sabi ko community. Tinanong nya kung bakit may dala akong badminton racket. Sabi ko workshop. Inabot nya sukli nya. Tinapos ko ang pagtxt kong naudlot. Sinilid ko sa bag ko cel ko. Tinanong ko kung nagtatrabaho na ba sya. Shet! Nanginginig talaga bibig ko nito kaya ang bilis ng pagsalita ko pero naintindhan naman nya e. Tumango. Tanong ko kung saan. Makati daw. Sabi ko yeba. D man lang ngumiti. kinuha ko cel ko sa bag. Nagpipindot kunyari. Naalala ko ng itxt c avie. Txt ko c avie. Lagay ulit fone sa bag. Tapos hanggang bayan ng imus nakatingin lang kame pareho sa kalsada. Sa aming dalwa sya lagi ang nagsstart ng conversation dati. Kanina wala. Nalunok nya ang dila nya. Alam kong nababagabag sya.

Escape the Hurt

Impossible to match
I’ll try to be calm
Blood stain streams out your name
I try hard to take it off
The moment is haunting me
So I sleep and escape the hurt
Please try be yourself
I’ll try hard to be myself

Tell me where it hurts
Show me
I will take your pain and put it with my own
Im losing my worthless breath
Heal me
I’m not strong like you
Heal me now

Panahon na para bumaba kame. Parang wala sya sa wisyo bumaba. Umakmang bababa na ko. Sya din gumalaw na pero napakaplain ng mukha nya. At dahil sya ang isa sya sa mga konting gentleman na nakilala ko alam kong mauuna na akong tumayo. At dahil alanganin ang parada ng jeep, naging dalawang daan ang pwedeng puntahan ng mga pasahero. Nilingon ko sya. Nakatingin naman sya kaya tumango ako. Nasa kabila sya ng kalsada. Naramdaman kong ayaw nya na ng interaksyon. Natural escapist ako kaya ang speed ng paglalakad ko ay ginwa ko ng maximum.

Assertion


unexplained sights

whenever you're around
this unfulfilled adjacent
of moment comes around
impulsive scenes shiver
over and over again i wonder if
i can completely present myself to you
i don't have any brilliant words to say anyway
and affirmation denies
everything i need to say
take back everything
like nothing's left for me
why can't you feel
the way i'm feeling now i wonder if i
can completely present myself to you
i don't have any brilliant words to say
anyway could you even pretend that you want me?

Pero sa abangan ng bus nauna syang nakatawid. Kaya nakikita ko syang naglalakad. Wala pa ring tatalo sa pag kapayat nya. Halatang halata sa suot nyang white long sleeves na nakatupi ng maayos at black slacks. Binagalan kong maglakad at minsan humihinto pa ako para wag kameng magpang abot. May time sa paglalakad kong naiisip kong lampasan sya o hintuan kaya muntik ko na syang maabutan. Naging pabalik ang lakad ko dahil sa takot na lumingon sya at makita nyang nasa likod nya lang ako at d sya pinupuntahan. Buti na lang nauna syang nakasakay. At bago dumaan ang jeep na sinakyan nya dinukot ko na ang fone ko para icheck (kunyari).

Another Minute Until Ten


the sun is shining down on you

it's time to show the truth
it's time to show your true face now your walking with content
disorder, you're colder
you know that i can see through you
try, try me
unexpectable drop-by's
my body's pressed against the wall
it's stretchin out my skin again obviously you're happy
the sun is shining down on you
you know it all
just give me one reason to live
try, try me

Ang sakit. Ang totoo, umiiyak na ako habang nag aabang ng bus. Nangingilid na ang luha ko at nakadaan na ng nasolacrimal duct ang mga to para maging sipon. Nararamdaman kong nanginginig ako pag sakay ng bus dahil hindi ako stable (syempre, nanginginig nga e). Hanggang sa pagtayo ko sa bus nanginginig ang kamay ko. Napansin kong tulala na ako at walang pake kung hindi ako humahawak at nakasandal lang sa upuan. Pero ginusto kong manatiling ganun at maging mukhang tanga. Nagttxt kame ni avie. At bago nya pa mtxt na baka ito na ang simula ng pagkikita namin palagi e naisip ko na un paulit ulit habang nag aabang ng bus.

Nakakapagod at nakakapanlumo un. Ni ayokong maglabas ng boses o tumango dahil napapagod na ako. Ayoko ng kausap. Ayokong bumaba ng bus. Gusto kong magbyahe ng matagal. Pumunta ng baguio mag isa para makatulala ng matagal. Ayokong maglakad parang sa mga koreanovela dahil nakakapagod un. Ganito ako hanggang sa community. Buti na lang kinailangan kong gumalaw dun para makalimot sandali.

Scars of the Failing Heart

Broken hopes falling away
Don’t you have something to say?
Does it make you sleep?
Emptiness of words that you’ve said
Scars in my heart that you left
Now I’m close to dying
Everyting failing with thoughts of you
Now I’m down without knowing what’s true
With the way you look at someone else
Everyone’s saying just try to be strong
How I wish that I’m just being wrong
Would you try to hear me out?
The mood of distraction’s prevailing tonight
Have you seen what’s the best and what’s right
Now you’re gone and you’re on your own
The ghost of my presence is saying goodbye
And I’ll die without making things right
And you’re gone and I’m on my own
Broken glass cut me to sleep
Wounds are dissected so deep
I don’t want to wake up
I need this blood to wam my hands
And you don’t have to understand
You just got me all wrong

Ang totoo wala talaga akong maisip na title nitong entry nato. I can't think of a phrase or a word to summarize these all. Salamat sa album ng typecast. Kung ikaw ay broken hearted, let the songs of typecast empathize with you.

Breathe Through the Glass


....
write down every heart-felt moment

teach me how to smile
i will take my chances

hit the walls, i am blind
can i ask you to hold me
just one time
i am waiting for someone

3 Comments:

At 9:13 AM, Blogger igdeguzman said...

nanniniwala parin ako sa fate.

kung nagkita kyo ngyon ng hindi mo inaasahan...me ibig sabihin yan

parang anong kanta nga un?
"two old friends, meet again, wearing older faces...blah blah"

smile naman jan

 
At 5:36 PM, Anonymous Anonymous said...

never thought you listen to such band hahah...

astig :))

 
At 1:37 PM, Blogger Unknown said...

awww....

wala lang. sabi nga ni jobart.. wag na mag-dwell...isipin na lang daw ang mga bagay na meron ka at hindi yung nawala. galeng dba?!

smile! :-)

 

Post a Comment

<< Home