Sunday, November 27, 2005

Pambihira!

Naiinis na ako sa iyo..
(nagjump sa chorus)
Wag mo na sana akong pahirapan pa!
(hinto)

Yan lang mga linyang yan galing sa kanta ng parokya ang tumutugtog sa utak ko!
Di na kc kaya ng powers kong pagandahin tong blog ko. Kung ano ano na ang ginawa ko sa template ko kung ano anong codes na rin ang inimbento ko. Pero ayaw nyang sumunod! Kailangan ko na talaga ng divine intervention sa pamamagitan ng mga nilalang na tarok ng mga isipan nila ang paligoy ligoy sa mundong to..

Nung mga isang linggo lang nakukuha ko pa ang paggamit ng frontpage at habang nsa byahe ako naiisip ko na ang pwede kong gawin. Ngayon ngayon lang, ewan, kelangan ko ulit idecipher ang frontpage..

Hindi ko naman hangad na maging bongacious ang blog ko! gusto ko lang maglagay ng pix sa gilid ng sidebar! tsaka palitan ang header ko..un lang! Wala ng iba!

Sa kasawian ko tuloy na papost ako ng di oras e.

Simpleng panawagan lang to sa mga nagmamalasakit sa aking katinuan..hehhehe

1 Comments:

At 3:31 PM, Blogger igdeguzman said...

to help you i will...=P

 

Post a Comment

<< Home