excited
Pansin ba? Lang title yung previous entry.
Kung sakaling makalimot lang ako at malulong ng husto sa pag-aaral, gusto kong may magpaalala sa akin na di lang pagdodoktor ang pangarap ko sa buhay. Marami pang iba. Sana kahit walang napupulot sa blog ko simula ng isilang ito sa mundo na ito (na naging sanhi kung bakit wala ng naglilink sa akin), may makabasa nito para naman may magpaalala sa akin (sana di ako kantyawan)at baka matulungan pa akong abutin ang mga dreams na ito.
Order based on feasibility:
1. recycling center/junk shop (di ung madungis a). Ewan ko ba basurera ata ako nung ipis pa ako. Junk shop muna pero papers lang. Ayoko ng bote at bakal, plastic pwede pa. Hay naku, gusto ko nga sa mga naging dorms ko at schools ako magcollect ng papers e. Lalagyan ko ng boxes every strategic place kasi ung mga bata ngayon kelangan idudulot mo pa ang tamang lalagyan e. Kapag marami na kong pera, ako na ang kukuha nun sa mga lugar na un. (Basurera talaga!) Pwedeng ako na din ang mag strip nung mga papers. Bibili ako ng machine. Ako ang magsusupply sa mga gumagawa ng papel. Tapos kung alam ko na kung pano gumwa ng papers, ako naman ang magsusupply sa mga gumagawa ng pad papers and notebooks o kaya sa mga printing press.
seryoso ako. In fact simula ng college iniipon ko ung mga papers ko tapos pinagbibili ko sa magbobote. Tpos ung iba na pwede pang sulatan ung likod ginagawa kong notebook. I use padding glue. Hehe. Pwede ring elmer's glue na lang. Tapos I also suggested sa org ko na magkaroon ng parang paper drive pero within the org lang. Pinagbili namin sa diliman ung nacollect namin na papers.
2. Elementary teacher. Di ko alam kung pano pro gusto ko. Wala akong pasensya pero ewan ko ba. I am willing. siguro kukuha na lang ako ng certificate of education chuva sa diliman.
3. Bahay sa tabi ng beach. Kelangan may hammock.Gusto ko sa bohol. Pero ung type ng bahay is parang saud beach resort and restaurant sa pagudpud.
4. Hacienda. Malaking malaki. Sa pinaka rural area possible. o kahit hindi. Pwedeng magkatabi ung bahay sa tabi ng beach at ung hacienda.
Syempre in between ng lahat ng ito e ung happy family kahit hindi perfect pero trying to be perfect.
di ko wish na magtayo ng foundation pero i would be very willing to help a child go to school, financially. Ngayon sa public school lang ang kaya ko. siguro in the future, kapag sosyal na ko, financial aide for medical students who wants to serve here in the Philippines.