Am I Normal
Budget Dorm
Ngayon Ladies Dorm na ang tawag sa kanya. Along Padre Faura St. Super katabi ng rob. Katabi rin nya ang Budget Meal Turo Turo. February ng 2002 nagstart ang buhay ko kasama ng mga caretakers(father, mother and son-tawag namin sa kanila ay 'holy family') na literal na tinutubuan ng sungay sa noo. Wala pang isang taon napaalis na kame ng kaibigan ko sa dorm na ito. Yun ang sem na nagzoZoo 102 kame. Inuuwi namin ang pusa na nakabalot sa black bag. Tuwing gabi kailangan syang isprayan ng formalin. Isang gabi, nsa terrace ang caretakers kasama ng kanilang mga amigas. Sa terrace kame originally nagsppray ng dead kets. So sa sobrang atat namin mag spray, sa second floor kame nag spray. Dun na natapos ang maliligayang araw namin sa unang dorm namin ng kaibigan ko. Hindi natake ng caretakers ang formalin. Tumawag sa managers ng dorm. Sinumbong kami. Maiingay daw kameng mga bata. Chuva, chuva at marami pang chuva. Nung gabing yun sa Mabini Pension House na kame natulog ng kaibigan ko.
Imperial Bayfront Tower Hotel (something like that)
One month lang kasi kame dito. Along Mabini. Hinintay lang namin ung iba namin na dormmates na sinipa din mula sa Budget Dorm para sama samang lumipat sa...
Laureana Mansion
Along Perdigon St ata to kung d ako nagkakamali. Sa may Paco. Ok naman tong nilipatan namin. Anim na lalake at lima kameng girls. Syempre separate units kame. Nakakatawa lang ung may ari mag english. Lagi pa naman sya nag lalabas ng memo. Almost 2 years ako dito bago ako pinalipat ng parents ko dahil nag away kame ng kaibigan ko.
Mary's House Dormitory
Corner Nakpil at Vasquez, sa Malate. Basta isang Monday kinuha ko ang lahat ng gamit ko sa Laureana. Kinabukasan nasa mga madre na ko. D ako nagpaalam sa frend ko pero sa iba kong housemates nagsabi ako. I knew how it felt dahil classmates kame. Lalong tumagal away namin. Ano pa aasahan mo? Umalis ako sa dorm na to at nag uwian after 1st sem 4th year. Nag duty na kame sa pgh at nag field work nung 2nd sem e.
Korean Soil Apartment
Wla kcng pangalan tong apartment na to. Basta mga kapitbahay namin puro korean families kaya feeling namin ng classmate ko nasa korean soil kame. Along Orosa St. Last year lang ako tumira dito. After two months nag uwian na ko. Lagi kong sinasabi na nakakalungkot kasi kaya ako nag uwian. Akala cguro ng classmate ko sinasabi ko na boring sya kasama. Ito ang panahon na nagpatong patong lahat ng panget na pakiramdam sa akin. Kinailangan ko ng pamilya ko. Sana naiintindhan nya ako.
???????
Kasalukuyang hinahanap ko ang pangalan ng pang ilan? Pang anim kong tirahan simula ng mag aral ako sa Maynila.
2 Comments:
Hay..wala ring may interes kung normal pa ko...kalungkot naman...
syempre naman naintindihan ko un, sus hehe...aneong haseyo hehe
Post a Comment
<< Home