Friday, June 30, 2006

Home Sweet Home

I was so happy when finally I got to see the roof of our green house via satellite...

Friday, June 23, 2006

Loree Stickers


I've already put these (well, not actually with these offhandedly concealed details) self-made stickers on my books two weeks ago.

A lot of thanks to ighie. A soon-to-be-dentist friend joked that I have four extra dentitions on the caricature. Stupid me, who had took Dentistry GE subjects during first year of college, reacted and tried counting immediately if I really have extra dentitions. Poink!

To cheysson/che che/chevs/6/dcl/seis (have i mentioned all?), for the instant family ambigram-created in front of my very own eyes (without seeing the hand who was generating the figure) with YM's doodle do. I just casually filled the internal spaces with black.

Saturday, June 10, 2006

Google Any Place Around The Globe

Isa lang to sa mga nahalukay ko sa net. Nakakatuwa talaga. Nakaka-adik.Hinanap ko muna syempre ang Pilipinas.

Ang Luzon...particularly ang Cavite...
Pero ang hirap hanapin ng bahay namin kaya dun muna ako sa mas madali...Luneta...

Nakakaaliw dahil kitang kita nga ang mapa ng Pilipinas...

Nagpunta na rin ako sa malapit sa Luneta...PLM..


Desperado akong makita ang bubong ng bahay namin kaya I flew back to Cavite...


Huhu di ko talaga makita...Hintayin ko na lang mommy at daddy ko para turuan ako umuwi kung sakaling lumilipad na ko...


Pati UP hindi ko makita... Papano masyado pala maulap doon..Paaano na ko pupunta sa homecoming? Paano ko makikita si Manny Calayan? Sa helicopter pa naman sana ako sasakay...


Try nyo...

Friday, June 09, 2006

Thinking of Angela's HK Tour, Ighie's Birthday and Ms. Salvador's Math Lessons?

Few of my classmates and I refused to go down the field to meet our new lecturer. Though we knew that she would be giving a short quiz there we chose to wait in the classroom. Ighie was the first one I saw who entered the classroom. When I looked in front, Ms. Salvador was continuing giving the scope of the third shifting exam. I was confused because it first seemed that she was dictating some of the possible questions for the shifting exams. Ighie was a little bit anxious. Something told me then that whoever who would be able to get the highest grade in our Pathology class would have the chance to go to UK.

God has His own weird ways of saying things. Sometimes through dreams. As if God was telling me,"Child, stop blogging for a while. You should be reading your books now."

I just realized that travelling is really my passion and it could be a bait for me to study harder.

Napabalikwas kaya ako sa kama.

Thursday, June 08, 2006

Proud Mom

Hindi ako buntis at wala pa rin akong naluwal na anak.

Kahit kasi nasabi ko ng kapatid ko ang bunso kong kapatid na si Gio, the teacher in the registration office still preferred to acknowledge me as his mommy. Though, cute naman pa lang matawag na mommy honestly.

First time ni Gio kumuha ng exam. Katulad ng ibang bata mahiyain ang kapatid ko sa simula. Pumulupot muna sa hita ko at kelangan ko pa ihatid sa room kung saan sya mag eexam.

Sobrang kinakabahan talaga ako sa entrance exam na un kasi naman wala tlagang alam ang kapatid ko, as in. Kinakabahan din ako dahil baka kahit alam nya naman talaga ang sagot kung ano ano lang ang isulat at kulayan sa papel.

8:10 kame umalis na bahay papunta sa school na mga three-minute walk lang mula dito sa amin. Nung lumabas si Gio sa room at tumingin ako sa wall clock nila e 9:10 na.

Nag thumbs up yung teacher sa office. Hindi ko naman akalaing maperfect ng kapatid ko ung 35-item exam!!! Grabe talga! Sobrang nahalata ng teacher na nagulat ako. Tuwang tuwa kasi ako. Sobrang dali lang ng exam pero ang galing pa rin ng kapatid ko!

Binili ko sya ng chichiria at coke pag-uwi.

First time din ni Gio magpakuha ng picture sa studio. Picture lang natatakot na. Di pa nagsmile.

Nakakatuwa talaga. Bukas ieenrol ko na sya.

Maraming taong pinipilit akong aminin na anak ko ang kapatid ko. Actually, pwede ko talga syang mging anak kasi pareho cla ng pagkakalbo ng isang partikular na tao.

Sunday, June 04, 2006

Wanted: Nameless Gitarista

Nagpunta ako sa Terno Agogo nung April sa The Fort.Doon ko unang nakitang tumugtog ang Sound. Ang galing nila. Ngunit un na rin ang huling rinig ko sa music nila. Kahit sa internet d ko sila mahagilap.

Pati ang pangalan nitong misteryosong gitarista ng Giniling super unknown.

Paano ba naman d cla nagpakilala pero nakakatawa talaga c Dye Dye. Grabe. Ang galing din nya gumupit ng damit nya.

momonja syndrome


Bakit c momonja kahit anong tapang nagiging bato kapag nakikita nya c mojari?

May nagsabi sa akin na nagiging bato daw ako pag nakikita ko ang isang partikular na tao. Sabi nya parang d daw ako bigla makagalaw at d rin makapagsalita. Naalala ko tuloy c momonja.

Nung friday sabi ni Avie sobrang seryoso ng mukha ko. D daw ako ngumingiti.

Sabi sa akin ng isang kaibigan na nakasaksi ng insidente nung Friday: 'Naging bato ka na naman, Lorraine! Nakatayo ka lang. D ka gumagalaw!'

D ko naman un sinasadya. Basta. Nagiging ganun lang ako kahit na sa totoo lang tuwang tuwa na talaga ako.

I couldn't even try putting the Friday incident into words. Maybe I am still so stoned(?).