By Request
Sabi ni Avie magpost naman daw ako ng masaya. Masyado daw madrama mga pinost ko. Hay..Syempre ako naman khit nalungkot ako kc I don’t mean to have a blog with a melodramatic effect nagising ako sa katotohanan na medyo seryoso nga ang mga entries ko.
Syempre..pinilit ko talga mag-isip…WALA!
Ok. I told myself Think of happy thoughts.
Kaboom!!!
Frames of me and my barkada writing on a book flash on my mind. The book would be a surprise gift for Layra, our payatot kabarkada. Joyce wrote first Think of happy thoughts. I write next Think of me. Tapos si Dyan Think of me too. Tapos c Cathy Think of us.
Sa Dentistry lang kame lahat lahat nagkakilala. Ngayon, dalawa na lang sa amin ang may pangarap magkalkal ng ngipin ng iba, c Cathy at c Layra. Si Joyce Food Tech sa Diliman. Pati c Dyan na super henyo sa chem nasa Diliman Chem Eng. Ako at c Portia PH tapos Med ngayon.
Last last week lang kame ulit nagkita kita sa apartment ni Lay. Di kame kumpleto pero nagluto pa rin c Joyce ng putahe ng barkada. Wala pa yung pangalan pero super duper todo sarap nun. Secret recipe un. Like a pact among us. Actually, wala ngang pact kc wala naman kming demands sa bawat isa. First time namin un kinain sa Jollibee nung first year. Bigla na lang may dala c Joyce na parang kaldero isang araw tapos bumili na lang kami ng rice dun sa Jollibee.
Nakakamiss talga ang pag-upo sa escalator, ang pagtawag sa isa’t isang tanga, ang matagal na pag-iisip kung saan kakain na ang kahahantungag lang e fave na Chowking sa taas ng rob, ang paglalakad sa faura pagkatapos ng ulan tapos sabay hatak ng mga sanga ng halaman para mabasa kame, ang pag silay sa crush ng bawat isa, ang pag-upo sa mga sahig, ang pag-uusap na para bang nasa bundok, ang pag memake face pag may topak ang isa at ang mga birthday surprises.
Nag-umpisa un sa bday ko e, first year. Lantern parade. Mga ilang araw bago ang bday ko may time na ayaw nila akong palabasin ng Physics room namin. On the Big day, ginulat ako ni Joyce. Tumawag. Nasa Imus daw sya. Sbi ko cge nga saan sa Imus. Aba ang loka nadescribe ng tama ang paligid nya, nasa Imus nga. Nagtanong lang sya ng palatandaan ng bahay namin. Maya maya nasa harap na ng bahay namin ang bruha. Medyo nainis ang mga kabarkada ko nun sa kanya kc nadelay daw ang plano. Pero para sa akin super duper galing nun. Naalala lang ni Joyce kung anong sinasakyan kong bus tapos nung andun na sya tinanong lang nya kung saan sya bababa para makapunta sa baryo namin.
At un nga dahil Lantern Parade kaylangan nasa PGH parking lot kame. Super excited sila. Sabi ni Lay tatawagin lang nya ang frend nya. Sobrang tagal! Daming excuses! Maya maya may humaplos ng buhok ko. Pag talikod ko e nasa harap ko na ang long lost crush ko ng grade 4 ako. Kinapalan na nila ang mukha nila nung physics time namin na lapitan sya at magtanong kung sya nga ba sya at kung kilala nya ba ako. Ayun nakipagsabwatan na ang loko. Inabot nya ung gift ng barkada ko para sa akin at super 2 mins na kwentuhan. Sobrang bilis lang nun pero what happened during the following days and months and years because of that surprise is really overwhelming for an innocent heart. But is still deserving to be treasured forever.
Imbentuhan lang ng gimik pag may bday. Nakakaloka! Adventure talga! Kelangan magaling kang mag pretend! Magaling magsinungaling! Magaling magtago! Magaling magpigil ng tawa! Creativity may not count but acting ability certainly does.
Nakilala namin si Maegan Young nung 18th bday ni Cathy sa Gapo. First cousin nya un e.
Nakakilala kami ng maraming lalaki sa paghahanap para sa 18 roses ni Lay na kung saan saan sumusulpot para ibigay ang roses. Medyo nainis nga ung histo prof naming dahil laging may kumakatok na lalaki sa rum.. Di ko pa nun nakikilala ang major crush ni Lay pero I mustered all the courage from all my organs para kausapin un. Medyo nainis c Lay pero wala syang panama sa powers ko magdrama na gusto lang namin syang maging masaya. Hahahaha.
Pag bday ni Joyce at Dyan sugod lang kame sa Diliman! Kunyari wala kaming plano. Pero aun gumugulong na kami sa Sunken Garden at kumakain ng isaw at umiinom ng gulaman. Sarap!
Si Celica, model na sya ngaun. Di un masyadong nagpaparamdam kaya minsan lang namin makasama. Pero barkada yan. Yan ang pambato naming sa Physics at Math pati sa kamalditahan. Sa bahay nila kame laging sumusugod pero never pa ko nakasama.
Si Portia lagi talga yun walang kamuwang muwang. Na overhaul na naming ang celfone nya inosente pa rin. Nasa Uste sya ngaun. Two years na kameng war pero alam ko andyan lang sya at alam kong alam din nyang andito lang ako.
Hay…Sana kahit mga propesyonal man kame o taong grasa ganto pa rin kame.
Ano , Avie? Alam ko nakakalungkot pa rin to pero just thinking of them really puts a big smile on my face.
With my hand in my heart-farewell.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home