Wednesday, May 31, 2006

Pakisabi na lang

If
I sit here
and the words won't come
the fighting in the brain
will worry and weary
the sense

if words could be sealed
in calm finality
I could send a package
of experience

if the heart could think
in the mind's language
I would have no trouble with
the grammar of sensations

and offer you, perhaps,
a punctuated life.

but if I wait here
and the word won't come
and it's a poem you want
where do I begin

You're So Quiet
you're so quiet
my resolution wavers,
lingering, afraid to
raise your gaze
from the silence.

sprawled in that chair
evening dropped you in
like a toy forgotten after play,
what are you thinking,
what seeing in the middle distance?

you seem to have found
the equilibrium point,
the fulcrum of life,
now night can return you
to this complete unresistance.

some there are
who whistle in solitude
when their own heartbeats
pursue them like footfalls
and they are too lonely, alone.

but you are so still.
the silence contains itself
sufficient from all else,
that bent head, supine gesture
of permanence, defying.

dare I speak,
or move this one shadow
and disturb the half light?
dare I claim you back to life
with my human love?

you're so quiet
I am afraid
to tie you to time.
please look up,
when you're tired of eternity.

Because I Only Write
because I only write,
not knowing where and how to bring
these feelings to your doorstep,
my hands hold no order,
transfer no look, no grace,
cannot contain the red pulse of the heart.
only the blue throb over the page;
small, drying in ways not mine.

yet to be simple,
to mean what the leaning lines convey
is to block and defeat
what would be told.

to write is nothing.
this, only despatching
a part of me;
the rest remains, watching
for the reach of your understanding
or your despair.

if we could live
without the sentences between us,
remove the barricading speech,
we may communicate a living whole.

but I only write,
not knowing the beginning or the end.
I only write
to make simplicity an order,
courtesy a return.


It is wanting to tell someone but not wanting them to know.
-Bea Camacho, Blind Transmissions

poems by Lee Tzu Pheng from Prospect of a Drowning

Am I Normal

Budget Dorm
Ngayon Ladies Dorm na ang tawag sa kanya. Along Padre Faura St. Super katabi ng rob. Katabi rin nya ang Budget Meal Turo Turo. February ng 2002 nagstart ang buhay ko kasama ng mga caretakers(father, mother and son-tawag namin sa kanila ay 'holy family') na literal na tinutubuan ng sungay sa noo. Wala pang isang taon napaalis na kame ng kaibigan ko sa dorm na ito. Yun ang sem na nagzoZoo 102 kame. Inuuwi namin ang pusa na nakabalot sa black bag. Tuwing gabi kailangan syang isprayan ng formalin. Isang gabi, nsa terrace ang caretakers kasama ng kanilang mga amigas. Sa terrace kame originally nagsppray ng dead kets. So sa sobrang atat namin mag spray, sa second floor kame nag spray. Dun na natapos ang maliligayang araw namin sa unang dorm namin ng kaibigan ko. Hindi natake ng caretakers ang formalin. Tumawag sa managers ng dorm. Sinumbong kami. Maiingay daw kameng mga bata. Chuva, chuva at marami pang chuva. Nung gabing yun sa Mabini Pension House na kame natulog ng kaibigan ko.

Imperial Bayfront Tower Hotel (something like that)
One month lang kasi kame dito. Along Mabini. Hinintay lang namin ung iba namin na dormmates na sinipa din mula sa Budget Dorm para sama samang lumipat sa...

Laureana Mansion
Along Perdigon St ata to kung d ako nagkakamali. Sa may Paco. Ok naman tong nilipatan namin. Anim na lalake at lima kameng girls. Syempre separate units kame. Nakakatawa lang ung may ari mag english. Lagi pa naman sya nag lalabas ng memo. Almost 2 years ako dito bago ako pinalipat ng parents ko dahil nag away kame ng kaibigan ko.

Mary's House Dormitory
Corner Nakpil at Vasquez, sa Malate. Basta isang Monday kinuha ko ang lahat ng gamit ko sa Laureana. Kinabukasan nasa mga madre na ko. D ako nagpaalam sa frend ko pero sa iba kong housemates nagsabi ako. I knew how it felt dahil classmates kame. Lalong tumagal away namin. Ano pa aasahan mo? Umalis ako sa dorm na to at nag uwian after 1st sem 4th year. Nag duty na kame sa pgh at nag field work nung 2nd sem e.

Korean Soil Apartment
Wla kcng pangalan tong apartment na to. Basta mga kapitbahay namin puro korean families kaya feeling namin ng classmate ko nasa korean soil kame. Along Orosa St. Last year lang ako tumira dito. After two months nag uwian na ko. Lagi kong sinasabi na nakakalungkot kasi kaya ako nag uwian. Akala cguro ng classmate ko sinasabi ko na boring sya kasama. Ito ang panahon na nagpatong patong lahat ng panget na pakiramdam sa akin. Kinailangan ko ng pamilya ko. Sana naiintindhan nya ako.

???????
Kasalukuyang hinahanap ko ang pangalan ng pang ilan? Pang anim kong tirahan simula ng mag aral ako sa Maynila.

Saturday, May 27, 2006

Kamay at Utak

MT2
Where: Gawaran Elementary School
When: May 21, 2006

MT3
Where: Infanta, Quezon
When: May 22-24, 2006

Nung nag enrol ako nung 25 may nagtanong sakin kung bakit atat na atat daw akong magtuli. Hindi ko na matandaan kung anong sinagot ko o kung sinagot ko nga ba talaga sya. Kasi medyo nagulat ako sa tanong nya. Nagtaka lang ako kung bakit nya tinanong yun e pareho naman kameng med students. Hindi naman ako sa pagtutuli atat e kundi sa pwede kong matutunan sa bawat opportunity na makakasalubong ko.

Sa totoo lang hindi buo ang tiwala ko sa utak ko. Sa 21 taon na nasa ulo ko to alam ko na kung pano to tumakbo at kung ano ang limitasyon nito. Marami itong nakakalimutan na dapat laging tandaan. Marami itong mga importanteng mga bagay na napagpapalit palit. Kung minsan naiisip kong may microorganisms na kumakain ng memory ko. (Teka, kung d ako nagkakamali may STD na ganun ang komplikasyon. Hahaha!)

Pero sa kamay ko, hindi man buo, mas malaki ang tiwala ko dito kaysa sa utak ko. Para rin kasi syang may utak. Alam ko namang sa utak din nanggagaling ang lahat ng ginagawa ng kamay ko. Ang ibig ko lang sabihin, mas epektibo ang skills ko kaysa sa memory ko. Malaki ang naitutulong ng kamay ko para matandaan ang mga bagay.

Madali kong makalimutan ang mga bagay na binabasa ko. May mga pagkakataon ngang nag aral akong mabuti at nakakuha ng magandang grade sa exam pero tanungin mo ako after a month tungkol dun hindi na ako sigurado sa isasagot ko. Pero kapag paulit ulit kong ginagawa ang isang bagay kahit d na ko consciously mag isip maayos ko syang nagagawa at natatandaan ko ang rationale sa likod ng bawat procedure.

May medical explanation sa lahat ng to pero d sapat ang mga natatandaan ko ngayon para iexplain sya sa entry na ito.

Siguro iba iba lang talga tau ng paraang para matuto at matandaan ang mga bgay. [At may pinipili lang talga taung tandaan. Selective memory. May parte din sa utak natin, ang amygdala(OMG! natandaan ko sya!), na nagdedesignate ng emotional chuva(huhu..) para matandaan natin ang isang pangyayari o bagay. Para sakin malaki ang tulong ng amygdala ko kasi pag pinasukan na ng emotional factor ang isang pangyayari mas matagal ko syang natatandaan.] Ako, hindi sapat ang libro. Kung baga kelangan kong gamitin ang halos lahat ng faculties ng katawan ko para lang makatanda ng isang bagay o ng isang medical principle.

Natutuwa nga ako dahil nung ininvite ako sa infanta sabi ko matutupad na ang pangarap kong unti unting marating ang kasuluksukan ng Pilipinas. Pangarap kong magbyahe ng matagal, umakyat ng bundok at mapuntahan ang maliliit na isla at magstay dun ng konting panahon para magpractice na walang dalang mga fetal at guide books. Kahit d ako bilib sa utak ko, gusto kong maging sapat na sya at ang kamay ko pag naging totoong doktor na ko at nagbyahe na ko. Hindi ko naman kasi madadala lagi ang mga libro para ma-assure ako sa gagawin ko. Ang tanging madadala ko lang sa lahat ng oras sa kahit saang lugar ay ang sarili ko. Kasama na ang utak at kamay ko.

One week na lang, pasukan na naman. Panahon na naman ng mga utak. Mangangamoy utak na naman. Sa susunod na summer panahon naman ng kamay ko. Sana makasama naman ako sa ibang surgical missions, tulad ng herniotomy.

Siguro magiging surgeon ako.. Internists know everything, do nothing. Surgeons know nothing, do everything. Psychiatrists know nothing, do nothing.

Hay ang kalat talga ng utak ko, sumusunod tuloy ang kamay ko...

Friday, May 19, 2006

Last Chance?

This is my last dance with you
This is my only chance to do all I can do
To let you know what I feel for you is real
This is the last chance for us
This is the moment that I just (cannot let) end
Before I know that there's a chance for us to be more than friends
So don't let go let it last all night
This is my last chance to make you mine
I kept my feeling so deep
I kept my dreams of you and me somewhere inside
Although I prayed that you would see it in my eyes
But this is my last chance to say
What's in my heart before you stay out of my life
And then you'll understand the way I feel inside
So hold me close cause it feels so right
This is my last chance to make it mine
Make this dream reality
So close and you're so far
Gotta find your way into your heart
Gotta speak my mind
Gotta open up to you this time
I can't let you slip away tonight
This is my last dance with you
This is my only chance to do all that I can do
To let you know that what i feel for you is real
So don't let go
Just make it last all night long
This is my last chance to make you mine
to make you mine

Last last last year ko una at huling napakinggan tong kantang to. Tama ba? Basta nung mini debut ko. Actually, d ko sya naintindhan kc sumasayaw ako nun. Tsaka nwala ako sa sarili ko nun. Ngayon ko lang kinonfirm sa frend ko kung ito nga ba ung kantang un. Ang galing nya! Tamang tama to sakin noon at ngayon. Naintindhan ko na kung bkit tinanong nung kasayaw ko kung bkit ito ung sinasayaw namin.

Paulit ulit ko tlga sya piniplay ngayon.



Thursday, May 18, 2006

Love Sickness

kahit saang blog ako ngaun mapadaan, tsk tsk tsk, parang laging may isang word na naghuhumiyaw.

ako ito lang masasabi ko:
I miss him so much! But what can I do? Ang tanga ko!

kung d ko pa pinilit sarili kong maging produktibo matutulog lang ako ng matutulog.

Friday, May 12, 2006

Yehey! Yehey!

Ganito sya noon...Nung fresh pa sya mula sa sheet ng notebook at lapis ni alex...
Through ighie's combined knack to manually create and digitally enhance something, eto na sya ngaun...
Sinong hindi matutuwa?!!!! Jojombagin ko!

Ighie, gugusulr naegeh josuh gomawoh...

Thursday, May 11, 2006

Typecasted

There's nothing like your first love (o you'll never forget your first love). Parang ganyan ung sinabi sa Little Manhattan di ba? Sabi din sa 2046 na Chinese movie, sa buhay natin hinahanap lang natin ang kapareho ng first love natin. Eww..ang mushy.

After more than a year, I found out I am not totally over him and, in reality, I will never be. Baket? E first ko un e. At hanggang ngayon, first and only. Hahaha. Actually, d naman kame naging kame. Hahaha. Cry of the desperate. Siguro wala pang dumarating ulit kaya masakit pa rin.

Wala pa ulit nagtetext every night at tuwing nakikita akong hindi nakangiti(tama bang ijudge na nakasimangot ako kapag hindi ako nakangiti?), tumatawag every weekend at nagyaya manood ng sine kahit hindi pa alam ang palabas. Wala pang overconfident na magsesend sakin ng coke txt message na ang ending e para sa laging mahal ako. Wala pa ring magsasabi kahit implied na langit nya ako.
Wala pa ulit magpapakilig dahil ininuman nya ung straw ko. Wala pa ulit na katelepathy ko-pag naiisip ko syang itext bigla na lang tutunog ang cel ko at sya na nga.

21 and Counting

I am waiting
But I find myself looking
Im sick of myself
Im so lonely
I just found out
Sometimes I can’t control these tears
Everything is falling down on me
I feel so cold
And its all my fault
So this is how the guilt feels
It can break you down to pieces

Wala na. Wala na ang ksama kong manood ng Till There Was You ni Juday at Piolo. wehehehe. Jologs to pero nakakatuwa.

Only guy I thought and still think is perfect for me. The guy I saw with me in the future.

Sya ung tinutukoy nung nagfrendster message sa akin.

Malaki ang probability na makikita ko sya ulit at makakasakay sa jeep o sa bus dahil taga imus lang din sya. Pero out of that probability e wala pang nangyayari after more than a year. Kapag naglalakad ako papuntang terminal at nakasakay ng jeep naiisip ko kung bakit ganun pero pinagdarasal ko talga kay Papa God na sana handa na ako pag nang yari un.

Life is full of surprises like a box of chocolate. Kailangan wala ka talagang kamuwang muwang para masaya. Para genuine ang feelings at emotions na mararamdaman mo.

Kanina wala talaga akong kamuwang muwang dahil busy ako kakatext sa sa dulo ng jeep, ung sa harap na part. Hindi ko rin alam kung nasaan na ako. Nang biglang may umupo sa harap ko. Syempre napatingala ako. Hindi ko alam kung dahil lang sa depekto ng mata ko un pero parang nag zozoom in at zoom out ako. Sa paningin ko ang aliwalas ng mukha nya pero parang gusto kong kusutin ang mata ko dahil blurred ata. Parang slow mo at medyo may music na hindi ko naman marinig at maintindihan dahil bingi ako at nakafocus ako sa nakikita ko.

Dapat sisipain ko ang paa nya dahil my nature told me so. Pero napatitig lang ako at hinintay na tumingin na lang sya. Hay..ang basal ganglia ko naging overactive. (Ang basal ganglia ay parte ng motor area sa utak natin. This smoothly integrates feelings, thoughts and movement. Kaya pag sobra daw ang input naglolock sya. Ang mga tao daw ay naooverwhelm ng mga stressful situations, kunyari mga sunog basta nakakagulat, kaya nagiging overactive ang basal ganglia at ang tao ay nagfrefreeze na lang. gets ba? Favorite ko tong basal ganglia e.)

Pag sakay nya, nagbayad sya. Tumingin sya sa left and right nya. Then, center. Tenen! Sabi nya ui! Hahaha. Di nya alam kung anong gagawin nya sa mukha nya. Ang awkward. Sinipa nya paa ko. Sabi nya saan daw ako punta. Sabi ko community. Tinanong nya kung bakit may dala akong badminton racket. Sabi ko workshop. Inabot nya sukli nya. Tinapos ko ang pagtxt kong naudlot. Sinilid ko sa bag ko cel ko. Tinanong ko kung nagtatrabaho na ba sya. Shet! Nanginginig talaga bibig ko nito kaya ang bilis ng pagsalita ko pero naintindhan naman nya e. Tumango. Tanong ko kung saan. Makati daw. Sabi ko yeba. D man lang ngumiti. kinuha ko cel ko sa bag. Nagpipindot kunyari. Naalala ko ng itxt c avie. Txt ko c avie. Lagay ulit fone sa bag. Tapos hanggang bayan ng imus nakatingin lang kame pareho sa kalsada. Sa aming dalwa sya lagi ang nagsstart ng conversation dati. Kanina wala. Nalunok nya ang dila nya. Alam kong nababagabag sya.

Escape the Hurt

Impossible to match
I’ll try to be calm
Blood stain streams out your name
I try hard to take it off
The moment is haunting me
So I sleep and escape the hurt
Please try be yourself
I’ll try hard to be myself

Tell me where it hurts
Show me
I will take your pain and put it with my own
Im losing my worthless breath
Heal me
I’m not strong like you
Heal me now

Panahon na para bumaba kame. Parang wala sya sa wisyo bumaba. Umakmang bababa na ko. Sya din gumalaw na pero napakaplain ng mukha nya. At dahil sya ang isa sya sa mga konting gentleman na nakilala ko alam kong mauuna na akong tumayo. At dahil alanganin ang parada ng jeep, naging dalawang daan ang pwedeng puntahan ng mga pasahero. Nilingon ko sya. Nakatingin naman sya kaya tumango ako. Nasa kabila sya ng kalsada. Naramdaman kong ayaw nya na ng interaksyon. Natural escapist ako kaya ang speed ng paglalakad ko ay ginwa ko ng maximum.

Assertion


unexplained sights

whenever you're around
this unfulfilled adjacent
of moment comes around
impulsive scenes shiver
over and over again i wonder if
i can completely present myself to you
i don't have any brilliant words to say anyway
and affirmation denies
everything i need to say
take back everything
like nothing's left for me
why can't you feel
the way i'm feeling now i wonder if i
can completely present myself to you
i don't have any brilliant words to say
anyway could you even pretend that you want me?

Pero sa abangan ng bus nauna syang nakatawid. Kaya nakikita ko syang naglalakad. Wala pa ring tatalo sa pag kapayat nya. Halatang halata sa suot nyang white long sleeves na nakatupi ng maayos at black slacks. Binagalan kong maglakad at minsan humihinto pa ako para wag kameng magpang abot. May time sa paglalakad kong naiisip kong lampasan sya o hintuan kaya muntik ko na syang maabutan. Naging pabalik ang lakad ko dahil sa takot na lumingon sya at makita nyang nasa likod nya lang ako at d sya pinupuntahan. Buti na lang nauna syang nakasakay. At bago dumaan ang jeep na sinakyan nya dinukot ko na ang fone ko para icheck (kunyari).

Another Minute Until Ten


the sun is shining down on you

it's time to show the truth
it's time to show your true face now your walking with content
disorder, you're colder
you know that i can see through you
try, try me
unexpectable drop-by's
my body's pressed against the wall
it's stretchin out my skin again obviously you're happy
the sun is shining down on you
you know it all
just give me one reason to live
try, try me

Ang sakit. Ang totoo, umiiyak na ako habang nag aabang ng bus. Nangingilid na ang luha ko at nakadaan na ng nasolacrimal duct ang mga to para maging sipon. Nararamdaman kong nanginginig ako pag sakay ng bus dahil hindi ako stable (syempre, nanginginig nga e). Hanggang sa pagtayo ko sa bus nanginginig ang kamay ko. Napansin kong tulala na ako at walang pake kung hindi ako humahawak at nakasandal lang sa upuan. Pero ginusto kong manatiling ganun at maging mukhang tanga. Nagttxt kame ni avie. At bago nya pa mtxt na baka ito na ang simula ng pagkikita namin palagi e naisip ko na un paulit ulit habang nag aabang ng bus.

Nakakapagod at nakakapanlumo un. Ni ayokong maglabas ng boses o tumango dahil napapagod na ako. Ayoko ng kausap. Ayokong bumaba ng bus. Gusto kong magbyahe ng matagal. Pumunta ng baguio mag isa para makatulala ng matagal. Ayokong maglakad parang sa mga koreanovela dahil nakakapagod un. Ganito ako hanggang sa community. Buti na lang kinailangan kong gumalaw dun para makalimot sandali.

Scars of the Failing Heart

Broken hopes falling away
Don’t you have something to say?
Does it make you sleep?
Emptiness of words that you’ve said
Scars in my heart that you left
Now I’m close to dying
Everyting failing with thoughts of you
Now I’m down without knowing what’s true
With the way you look at someone else
Everyone’s saying just try to be strong
How I wish that I’m just being wrong
Would you try to hear me out?
The mood of distraction’s prevailing tonight
Have you seen what’s the best and what’s right
Now you’re gone and you’re on your own
The ghost of my presence is saying goodbye
And I’ll die without making things right
And you’re gone and I’m on my own
Broken glass cut me to sleep
Wounds are dissected so deep
I don’t want to wake up
I need this blood to wam my hands
And you don’t have to understand
You just got me all wrong

Ang totoo wala talaga akong maisip na title nitong entry nato. I can't think of a phrase or a word to summarize these all. Salamat sa album ng typecast. Kung ikaw ay broken hearted, let the songs of typecast empathize with you.

Breathe Through the Glass


....
write down every heart-felt moment

teach me how to smile
i will take my chances

hit the walls, i am blind
can i ask you to hold me
just one time
i am waiting for someone

Wednesday, May 10, 2006

Nakakalungkot Naman 'To

Hello lorie
Your age adjusted IQ score is 86 and the average score is 100.
Your IQ score is the result of a formula based on the number of
questions answered correctly on the test. This score has been further
adjusted to account for the differences in capabilities among various
age groups. Your percentile score means that you scored higher than 20%
of the people who took this same test.

Your Grade:Lower Average
Your performance on the test was just below the population average
which means that you have the ability to achieve success in life. Whatever
you decide to do you have a good mix of skills and insight that can be
applied in a wide variety of ways. You are able to think critically and
communicate effectively and you also have the ability to handle
academic challenges. If you think of intelligence as the ability to adapt
easily to new situations then you are heading in the right direction.

General statistics
Total number of questions:30
Questions answered:30
Questions not answered:0
Questions answered correctly:13
Questions answered incorrectly:17
Percentage correct answers:43%

Medyo nangagarap pa naman ako magjoke ala member ng Mensa...Pare, punta taung baywalk.Nuod tau sunrise.

Sunday, May 07, 2006

MT 1

Apat na batang lalake ang tuliro ngayon.

TULIro #1: Aka Kevin. 12 years old. Super bleeder. D kasi talaga maiwasan ang prominent vein nya na bumabagtas sa kahabaang un. Di ko na mabilang kung ilang gasa ang naiabot ko kay len at naipunas ko sa dugo na umabot hanggang paa nya. At dahil first time ko lang to at taga assist lang ako punas doon punas dito ang drama ko. Nagresearch ata ang batang to sa method na gagawin dahil tinatanong nya kame kung nagupit na ba namin o natahi na namin. Hindi naman sya iyakin di lang pasensyoso. Matured na ang bata including his thing (well compared to the other three).

TULIro #2: Aka Mardy (Wardy pa nga ang rinig ko). Dose anyos daw sya. Semi bleeder. Unang nahawakan ko. Kasi sabi ko kay len ako na ang maglalagay ng gasa. Syempre bago lagyan ng gasa e dapat lagyan ng betadine. Haha! Nahalata ata ni len na di ko hinahawakan! Nasabihan tuloy ako na "Lorraine, hawakan mo!" Sori naman.

TULIro # 3: Aka Allen. 12 years old. 1st and 2nd anesthesia given by me. Ung pangatlo nailabas ko ang karayom. (Binitawan ko na rin at hinayaang c len ang magpatuloy). Kahit kailangan pang hilahin ang balat, malinis naman and batang ito. Ako dapat ang gugupit e kaso kelangan kong tumakbo para kumuha ng bagong Mayo scissors dahil ang purol ng nasa amin! kawawang bata! Iyakin pa naman.

TULIro #4: Aka Arny. 11 years old. Sya ang di ko makakalimutang bata in my entire future career. Hindi lang dahil his future was in my hands, no. Paano ba naman sa tagal kumuha ng gamit ni len pinahubad ko na ng shorts ang bata at pinahiga na rin. Nakikinikinita ko ng malaki ang support group ng batang to sa labas ng classroom dahil ang ingay nila nung pinahubad ko na ang bata. Pero, cge, higa ang bata. Taas ang shirt. Ako, cge, linis lang kahit napansin ko na. D ko na natiis. Sumesenyas na ko kay len. Akala ko naintindihan nya ako na ang sinasabi ko: kasing taba lang at kalahati lang ng hintuturo ko ang penis ng bata. Baka kelangan doktor na talga ang gumawa ng procedure. Nangingisi na talaga ako. Nung katabi ko na c len nagtatago na ako sa kanya kasi di ko na talaga mapigilan ipakita ang 32 sets of teeth ko. Aba hindi nagggloves c Len. Cge ako anesthesia. Hayaan nyong isisi ko sa undergrad course ko ang nangyari. Tinuruan kasi kame sa Public Health mag venipuncture at mag blood let. In short, mag hit ng blood vessel at kumuha ng dugo. Hayun, pag aspirate ko (para icheck ko kung may natamaan nga ako) may dugo na nga. Binitawan ko na ang syringe. C len na ulit. Galing ko no? Akala ko di ko makikita ang ulo kasi ang liit nga. Super dikit ng gloves ko pati dahil sa betadine. Pero kahihila ko lumitaw din ang ulo. Pean clamp, retract, one kelly clamp on one side (umaroy na c arny!), another kelly clamp on one side (nasasaktan na talaga sya), release pean clamp, cut, stitch. Habang pinipigil ko ang nginig ng kamay ko at habang nararamdaman ko naman ang nginig ng paa ni arny, tinatry kong ayusin ang tahi ko at pigilan ang dugo. (Teka ano nga bang tawag sa needle holder na un? Hala balibaligtad na ata ang terms ko). Lumuluha na talga sya dahil iba talaga ang iyak nya. Buti na lang may dumating at na appreciate ko talga ang words of comfort nya para kay arny. Tinanong ko ang batang lalaki yun kung kaano ano nya c arny. Kapit bahay daw nya. Grabe. Hay..Natouch talga ako nun. Hanggang natapos ako sa ginagawa kong karumaldumal kay arny andun sya at sobrang may care and concern talga ang mga salita nya kay arny. Sana ako din, tuwing dadatnan ako may magcocomfort sa akin ng ganun lalo na pag inatake ulit ako ng dysmenorrheang pamatay sa sakit na nag undergo pa ako ng tests for appendicitis last time.


Low back pain talga pagkatapos nito. Pag uwi ko deretso kame sa simbahan. Blessing in disguise para mapagdasal ko ang mga batang to. Na hindi nila kame masisi pag sumasakit na, pag nagkaproblema cla sa sexual life nila in the future. Sa totoo lang d ako nakaconcentrate sa misa. Sorry po..(Tama nga cnabi ng frend ko na baka d na ko makatulog ngaun). Naisip ko pano pag laki nila. Naisip ko ung 2 oblation run na napanuod ko. Kung magiging ganun kaya ang itsura nun pag laki nila. Kung papano. Medyo natigil lang ako ng naisip ko na mas maeexplain ko ang mga bagay in the future dahil marami pa akong makikita. Grabe talaga. My imagination is hunting me. Mga green minded tumigil kau! Scientific ang iniisip ko ha.

Ngayon napatunayan ko, habang tumatagal sumeselan ako. Minsan kinikilabutan na ako pag nagkakasugat ako at ang kapatid ko. Kanina mas pinili ko ang minute burger kesa sa kesong palaman na meryenda namin sa med mission.D ko kinaya e. Pero nung nasa gitna na ako ng minute burger may tumayo atang sampung balahibo sa balat ko dahil may ketsup ang meaty minute burger ko. Pero dahil gutom ako dedma lang. Dati puro tae ang pinag aaralan namin pero ok lang. Ngayon bkit ganto ko???

Hay..malaki talga ang pasasalamat ko kay len na nagsama sa akin sa 1st Mission Tuli ko...