On Love
Kung si Ay-gee may tanong na When was the last time you did something for the first time?
Ako merong When was the last time na naramdaman mong nasa dibdib mo ang puso mo? [Anatomically, in between sya ng 4th – 8th thoracic vertebra mo posteriorly at 2nd-6th costal cartilages mo anteriorly. Excuse lang kelangan ko lang yan matandaan for the rest of my life e].
Ako kahapon lang e.
Nagkukutingting ako nun sa taas ng bahay.
Lorraine…?
Ako ba yun?
Lorraine…?
Shet! Sya ba yun? Ang sakit ng puso ko! Yung feeling bago mo maramdaman na natatae ka pag kinakabahan ka. [Siguro sobrang pump ng oxygenated blood ko papuntang ascending aorta ko.]
Lorraine…?
Parang naiipit ang utak ko! [Nastretch siguro ang dura at pia mater ko!] Teka!! Magsusuklay na ba ako? Anong gingawa nya dito? Bababa na ba ako? Pano nya nalaman bahay namin? Shet!
Lorraine..?
Saglit lang po! Sigaw ng kapatid ko. Narinig ko syang tumayo. Sabi ko ang tagal naman umakyat nun! LALAINE!! May tao! Nyak! Tricycle driver pala ng pinsan ko.
Hanep! Anong nangyari sa akin? Ngayon lang ulit to a! Pagnakikita ko si Chito naalala ko sya, pagbinabanggit ang pangalan ni Diether sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin syempre pumapasok sya sa isip ko, sa frendster ok lang sa akin pag nakikita ko na masaya sila. Pero ngayon lang ulit nagbehave ang heart of mine ng ganito. Boses lang pala ang katapat ko!
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin. Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko…
How can your heart forget the very first man who claimed you as his heaven? Maybe it can’t. It won’t.
WHAT THE EYES CANNOT SEE, THE HEART CAN FEEL.AND WHAT THE MIND FORGETS, THE HEART WILL ALWAYS REMEMBER
Napasaya. Kinilig. Nasaktan ng sukdulan. Naging bitter. Nang lumaon nawala ang pain. Naging better but still hoping. Nang makitang astig na couple sila at nalaman masaya sila pareho, nasaktan. Umiyak sa harap ng computer. Pinalipas ang panahon. Huminto sa pag iyak dahil don. Found myself just happy for them. Now I’m just too amazed how could I still love him when I no longer hope and see him with me again. We were never really together as couple. But we know we shared a very special thing we never talked about even until this very moment.
Nagbitaw man ako ng salita na pag pumasa ako sa 1st shifting exam ko sa biochem sasabihin ko sa mahal kong mahal ko sya, hanggang dito lang talaga ang kaya ko. Hanggang dito lang talaga ang pwede. Hanggang dito lang ang freedom of speech ko. At least I am trying to build a bridge between us bahala na siguro si God sa iba.
I am not desperate to get a guy. Hanggang ngaun naniniwala pa rin ako na it's better to try not to think of it. Pag inisip mo mapapahintay ka. Malulungkot ka pag di dumating. Hayaan mo lang. Ibang kaso pag naramdaman mong mahal ka rin nya, ung as in no doubt, obvious talaga. Dun ka na mag-isip.
Sabi sa Sassy Girl fate is building bridges between you and the one you love.
Sabi sa Innocent Step, ang fireflies after mareach ang maturity sisimulan na nilang maghintay para sa firefly na makakasama nila for the rest of their cycle. Though may analogy na ganyan para sa love sa story, at the end they refute the behavior of fireflies. Sabi minsan you don’t just wait kelangan mo puntahan at lapitan ang taong sa tingin mo ay para sau.
Sabi ni Fa Won sa Meteor Garden, nakaset sa human genome na three years lang tatagal ang pag-ibig sa puso ng tao. Wla lang gusto ko lang ilagay.
Ayan, sa kakapanuod ko ng Korean movies at tv series na may laging scene na tumatakbo ng mabilis ang guy sa paghahabol sa girl nila, napapadaydream tuloy ako kung meron kayang hahabol sa akin ng ganun..parang sa Meteor Garden din. Kung ako siguro si God nabatikan ko na ang sarili ko! Di talga ako marunong mag-appreciate ng blessing!
Parang pinapagsabihan nya ko: Hindi mo man lang naalala ung hinabol ka ni ___! Nagkunyari ka pa ngang di mo sya nakita! Nagkunyari ka pang di mo nararamdaman na walang humahabol sau! Lumingon ka lang nung nasa tabi mo na sya at tinanong ka kung saan ka magmemed! NapaWAAAAAHHH nga sya nung sinabi mong PLM dib a!! Nalaman mo dun din pala kc sya magmemed! Tuliro sya nung maghiwalay kau! O wag masyadong assuming!
Ngayon! Sya na nga ang unang bumati sayo ng magkita kau ng PLM! You knew he was smiling when he called you Lorieeeeee! Pero anong ginanti mo isang pekeng smile sabay talikod!!! Sinong di malulungkot sa ginawa mo?! At ang courage nya nung paringgan ka nya sa OM na Si Lorie di na namamansin di mo man lang na-appreciate! At anong sagot mo?! BC KA! What a lame excuse?! Bakit pag nakakasalubong mo ba sya lagging nakazipper ang bibig mo para mag HI at immovable ba ang ulo mo para di man lang makatango?! Hay! Ang batang ito!
How could I make others understand when I myself couldn’t explain to myself why I am still too afraid?
Afraid for love to fade before it can come true
With my hand on my heart-farewell.